PNP, naka-full alert na bilang paghahanda sa araw nang Undas

Naka-full alert na ngayon ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa araw nang Undas.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor, sa ilalim nang full alert status, magkakaroon ng police assistance hubs sa mga terminals, pier at sa may 100 sementeryo sa Metro Manila upang alalayan ang publiko na pupunta sa mga lugar na ito.

Kabilang sa malalaking sementeryo na tututukan ng pnp sa Metro Manila ay ang Manila North at South Cemetery, Manila Chinese Cemetery, Loyola Memorial Park sa Marikina City, Manila Memorial Park sa Parañaque City, himlayang Pilipino sa Quezon City, The Heritage Park sa Taguig City at La Loma Cemetery sa Quezon City.

Maliban dito ay nakahanda na rin ang mga traffic enforcers ng PNP na magmamando sa trapiko patungo sa malalaking sementeryo sa Metro Manila.

Speak Your Mind

*