Pokwang, hindi nawawalan ng pag-asang magkaka-baby pa

Hindi nawawalan ng pag-asa ang komedyanang si Pokwang na magkaroon ng baby sa kanyang live in partner na si Lee O’Brien pagbalik nito mula Amerika.

Sa kasalukuyang kasi ay nasa Amerika si Lee para asikasuhin ang ilang naiwang commitment at inaasahang babalik ito sa bansa sa buwan pa ng Disyembre.

Ayon kay Pokwang, naka-move-on na naman siya sa kanyang miscarriage sa baby nila ni Lee.

Ngunit kasali aniya na makakabuo ulit sila sa pagbabalik ni Lee, doble-ingat na ang kanyang gagawin.

Samantala, hindi pa naman daw handa si Pokie sa posibilidad na ‘igarahe’ na siya ni Lee at patirahin sa Amerika.

Speak Your Mind

*