Posibleng pagdami sa kaso ng dengue, ibinababala ng DOH

Mariing ipinapaalala ngayon ng kagawaran ng kalusugan ang pag iingat ng publiko sa posibleng pagdami sa bilang ng kaso ng dengue sa bansa partikular na sa mga lugar na binaha dahil sa bagyong lando.

Sa katunayan, marami pa ring mga residente ng hilaga at gitnang Luzon ang lubog pa rin sa baha.

Kaya naman iminungkahi ngayon ng DOH ang todong paglilinis sa kapaligiran lalo pat kalimitang pinamamahayan ng mga lamok ang maliliit na container na may matagal ng imbak na tubig.

Payo pa ni DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, pinapayuhan naman ang lahat maglinis sa mga posibleng pangitlugan ng lamok gaya ng mga boteng walang laman, paso, gulong, dram at containers.

Sa datos ng DOH aabot na sa isandaanglibong kaso na ng dengue ang naitala mula nitong buwan ng Enero hanggang oktubre at posible pa itong tumaas dahil sa patuloy na pag uulang nararanasan sa ilang bahagi ng Luzon

Sa kabilang banda, nilinaw ng DOH, hindi maituturing na casualty ng bagyong Lando ang dagdag na dengue cases sa ngayon dahil all year round naman umano ang tala rito.

Speak Your Mind

*