Presyo at paglaki ng isda sa Pangasinan, apektado ng paglamig ng panahon

Apektado ng paglamig ng panahon ang pagkain at paglaki ng isda sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng sonshine radio ipinaliwanag ni BFAR-NIFTDC Dr. Westly Rosario na ang mga isda na inaalagaan sa pangasinan gaya ng bangus at tilapia ay tropical species kaya nababagay sa mga ito ang mainit na panahon.

Kapag malamig ang panahon ay humihinto ang pangingitlog ng isda dahil kulang na ang init ng tubig.

Payo pa ni Rosario na iwasan ang paglalagay ng sobra sa palaisdaan dahil madaling ma-stress ang mga isda at kapag na-stress ang mga ito ay madali namang magkaroon ng sakit tulad ng parasites.

Dahil na rin sa pabago-bagong panahon ay may mga pailan-ilang isda na namamatay.

Samantala, ang mga tango na isda ay ibinebenta sa merkado ng singkwenta pesos kada isang kilo.

Speak Your Mind

*