Presyo ng bangus sa Dagupan City, apektado na ng neap tide

Posibleng magtagal hanggang sa huling linggo ng oktubre ang nararanasang neap tide o alaal sa lungsod ng Dagupan.

Ngayong linggo ay kaunti ang na-ani ng mga mangingisda kaya apektado rin ang presyo ng mga isda gaya ng bangus.

Kahapon ay tumaas ng limang peso ang kada kilo ng bangus sa merkado.

Paliwanag ni Bert de Vera ng City Agriculture Office ng Dagupan na ang presyo ng bangus ay depende sa suplay at pangangailangan, aniya kung konti ang suplay ay tiyak ang pagtaas ng presyo.

Ang presyo ng kada kilo ng maliit na bangus kahapon ay P65 hanggang P75 kada kilo, habang P75 hanggang P90 kada kilo naman ang malalaki.

Samantala, nabatid na ilan sa mga mangingisda ay nag-force harvest dahil na rin sa inaasahang banta ng pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ng bagyong lando.

Speak Your Mind

*