Presyo ng hamon hindi tataas sa kabila ng pananalasa ni Lando

Hindi tataas ang presyo ng ham o hamon na karaniwang inihahain tuwing pasko sa kabila ng pananalasa ng bagyong lando.

Ito ang tiniyak ng National Meat Inspection Service (NMIS), dahil sa patuloy na monitoring ng kanilang ahensiya sa presyo ng ham sa mga palengke at grocery.

Ayon pa kay Dr. Minda Manantan, executive director ng NMIS, hindi maaapektuhan ang suplay ng karne sa bansa bunsod ng naturang bagyo dahil sapat ang suplay nito.

Kasabay nito, pinawi din ni Manantan ang pangamba ng publiko na maaaring dumagsa ang mga “bocha” o double dead na karne ng baboy sa mga rehiyong naapektuhan ni Lando.

Speak Your Mind

*