Presyo ng mga bulaklak sa Undas, inaasahan nang tataas

Inaasahan nang tataas ang presyo ng mga bulaklak na karaniwang inaalay ng mga tao sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa panahon ng Undas.

Ito ayon sa ng Department of Agriculture (DA) bunsod ng pananalasa ng bagyong lando sa mga tanim na bulaklak sa hilagang Luzon.

Sinabi ni DA Sec. Proceso Alcala na dahil sa epekto ng bagyong lando sa Northern Luzon lalo na sa taniman ng mga bulaklak sa Benguet, malamang ay tumaas ang presyo ng bulaklak ngayong undas.

Sinabi pa ni Alcala na patuloy ang pagtulong ng ahensiya sa mga apektadong magsasaka para makabangon sa pinsalang dulot ni Lando.

Speak Your Mind

*