Price freeze sa mga lugar na may State of Calamity, tiniyak ng DTI

Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na kapag may umiiral na State of Calamity sa lugar na may naganap na sakuna tulad ng lindol bagyo o pagbaha saka lamang maipapatupad ang price freeze sa lugar.

Ayon kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba na titiyakin nilang mananatili ang mga presyo ng bilihin sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Lando kung saan ibinaba ng NDRRMC ang State of Calamity.

Dagdag pa ng opisyal na naglaan narin sila ng mga monitoring team upang syang mag-iinspection sa mga pamilihan mga malls upang makatiyak na walang mananamantala o magtataas ng kanilang presyo.

Samantala, ikinatuwa naman ni Dimagiba ang marami nang brand ngayon ng kandila sa merkado kung saan ay makakapamili ng husto aniya ang mga mamimili ng kandilang swak sa kanilang budget at batay sa kanilang pangangailangan.

Speak Your Mind

*