Price monitoring ng DTI sa presyo ng mga bottled water, tiniyak

Patuloy ang price monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng mga produktong kailangan ngayong undas.

Partikular na tinututukan ng DTI ang presyo ng mga bottled water sa mga bus terminals.

Pero ayon kay DTI Spokesperson at Undersecretary Victorio Dimagiba, papayagan naman ng dti na lumampas sa Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng bottled water basta’t hindi magiging doble ang patong sa orihinal na presyo.

Tiniyak ni Dimagiba na kanilang bibigyan ng notice of violation ang mga mahuhuling magsasamantala sa presyo ng bottled water.

Wala namang nakikitang problema ang DTI sa suplay ng kandila dahil sa marami naman aniyang murang kandilang mapagpipilian sa merkado.

Speak Your Mind

*