Proteksyon ng mga online shopper, isinusulong sa senado

Kasabay ng dumaraming bilang ng pinoy na nawiwili sa online shopping, hinikayat ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang Department of Trade and Industry (DTI) na maglaan ng hiwalay na opisina na tutugon sa tinaguriang “online fraud.”

Ayon sa senador, kailangan ng mas agresibong pagbabantay sa interes ng mga namimili online laban sa mga lumalaganap na scam kasabay ng paunlad ng E-Commerce sa bansa, kung saan may 39 milyon na ang gumagamit ng internet.

Sa pagdami umano ng mga gumagamit ng internet na bumibili online, marami na rin ang nabibiktima ng panloloko, kayat dapat umanong magkaroon ng consumer protection maging ang mga online shopper.

Batay sa ginawang pag-aaral ng Visa International na tinawag na “The Visa E-Commerce Consumer Monitor 2014,” siyam sa 10 Pilipino ang namimili gamit ang internet dahil umano sa pagiging kombenyente, mababa ang presyo at mabilis ang pagpapalitan.

Speak Your Mind

*