Ranking ng Pilipinas sa World Bank’s ‘Doing Business’, bumaba

Bumagsak ng anim na puntos ang Pilipinas mula sa dating ika-97 ngayon ay nasa ika-103 na sa 188 na mga bansa sa buong mundo sa “Doing Business” rankings.

Batay sa 2016 annual report ng World Bank (WB) ito ay may kaugnayan sa sistema at madaliang pagsisimula at pagtatayo ng small and medium enterprises, pagbabayad ng buwis, pakikipagkalakalan at iba pa.

Ipinaliwanag pa ng World Bank na ang pagbaba ng Pilipinas sa ranggo ay dahilan sa napakahabang proseso sa pagparehistro ng bagong negosyo na nasa 16 na steps na tumatagal sa halos isang buwan.

Ang isa pa umanong malaking dahilan sa pagbagsak sa puwesto ng bansa ay dahil sa hirap na maresolba ang mga “contractual disputes” na maging ang maliit na claims ay umaabot ng dalawang taon.

Una nang  inihayag ni Senior Country Economist Karl Chua na dahil sa nasabing mga problema ay nawawalan ang Pilipinas ng 60,000 na trabaho, mahigit sa P100 billion na halaga ng oportunidad at halos P40 billion na investments kada taon.

Speak Your Mind

*