Region1, hindi pa nakapagtatala ng epekto ng El Nino phenomenon

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na wala pang naitatalang danyos kaugnay sa El Nino Phenomenon sa rehiyon uno.

Tiniyak naman ni Engr. Eduardo Gonzales, ang Regional Technical Director for Research and Regulations ng DA-Region one na nakahanda ang ahensya kung sakaling walang ulan sa loob ng magkasunod na linggo, na sasabayan pa ng masyadong mainit na panahon at mataas na temperatura.

Binigyan diin nito na may naka-handang cloud seeding team ang ahensya para pumunta sa mga lugar na nangangailangan ng patubig at mag-bo-bomba duon ang grupo.

Hindi naman iiwanan ng D-A ang gamit pambomba sa magsasaka dahil gagamitin ito ng iba pang nangangailangan sa rehiyon para maibsan ang epekto ng El Nino.

Speak Your Mind

*