Relief ops ng Phil. Red Cross, nakatututok sa N. Ecija

Aabot na sa 300 katao ang nailigtas ng search and rescue team ng Philippine Red Cross (PRC) sa Nueva Ecija.

Ayon kay Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon, kanilang tutukan ang relief operations sa Nueva Ecija dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa lugar.

Sinabi pa ni Gordon na siyam na water search and rescue mula sa National Headquarters, Tarlac, Bulacan at Olongapo na kinabibilangan ng tatlong 6×6 trucks at dalawang hummer vehicles,  ang kanilang ipinadala sa mga apektadong lalawigan.

Sinabi rin ni Gordon na patuloy ang kanilang pamamahagi ng pagkain, kumot at banig para sa mga lumikas sa mga evacuation centers.

Hanggang kaninang umaga, 19 na lalawigan ang apektado ni “Lando” kasama ang 39 na bayan at lungsod, 98 barangay, 6.140 pamilya o 18,769 katao.

Mayroong 129 na evacuation centers na tinutuluyan ng may 3,324 pamilya.

Speak Your Mind

*