Resulta ng pag-aaral ng Oxford economics, pinalagan ng BIR

Hinamon ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang UK-based Oxford economics na pangalanan kung sino ang nagpondo sa kanilang bagong pag-aaral.

Batay sa pag-aaral ng Oxford economics, may 22.5 bilyong pisong pondo ang nakuha mula sa illegal na pagbebenta ng sigarilyo.

Ayon kay Henares, sa ngalan ng transparency dapat na sabihin nito kung sino ang nag-commission ng nasabing pag-aaral upang malaman ng publiko kung sino ang dapat nilang paniwalaan.

Lumalabas umano sa pag-aaral na ang mga Filipino ay nakakonsumo ng mahigit sa 105 bilyong sticks noong nakaraang taon kung saan 90 rito ay ginawa sa Pilipinas.

Sa isang panayam kay Henares, sinabi nito na base sa pag-aaral ng Oxford economics 19 percent o 20 bilyon ng kada taong nakukunsumong sigarilyo ay mula sa illegal na pagtitinda at tanging 86 bilyon sticks lamang ang legal na nabebenta.

Subalit sa katulad na pag-aaral din umano ng world bank lumalabas na limang porsiyento lamang ng consumption ay mula sa illegal trade dahil sa wala itong tax stamp sa merkado.

Speak Your Mind

*