Retirement fight ni Manny Pacquiao, itinakda na sa Abril 2016.

Sa Abril a-nuweve ng susunod na taon na ang retirement fight ni eight-division World Champion at saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Ito ang inihayag ni Top Rank Promotion CEO Bob Arum matapos na makausap si Pacman sa New York kamakailan.

Ayon kay Arum, gusto nang gawin ni Pacquiao ang kanyang huling laban sa Abril a-nuweve bago ang halalan sa Mayo kung saan tumatakbong senador si Pacman.

Kasalukuyang isinasapinal pa rin ni Arum ang listahan ng huling makakalaban ni Pacman na kinabibilangan nina Terence Crawford, Amir Khan at ang rematch kay Timothy Bradley.

Inaasahang sa darating na mga linggo ay iaanunsiyo na ni Arum ang pinal na desisyon tungkol sa magiging huling laban ni Pacquiao.

Speak Your Mind

*