Rommel Padilla, tatakbong board member sa 1st district Nueva Ecija

Naghain ng Certificate of Candidacy si Rommel Padilla, ang kapatid ng aktor na si Robin Padilla sa Provincial Elections Office sa lungsod ng Cabanatuan.

Si Padilla ay sasabak sa pagka-Board Member sa 1st district ng lalawigan sa darating na 2016 elections.

Matatandaan na nanilbihan bilang SP member si Rommel noong 2007-2010.

Si Padilla ang naitalang ika-dalawampung kandidato na nakapaghain na ng COC sa lalawigan.

Kabilang sa mga nakapaghain na para sa gobernador sa Nueva Ecija sina former Rep. Rodolfo Antonino (UNA) at Rep. Czarina Umali (LP); at para vice governor si re-electionist Vice Gov.  Padiernos.

Speak Your Mind

*