San Carlos City Agriculture Office, tinanghal na Hall of Fame Awardee para sa Quality Corn Production

Binigyang pagkilala ng Sangguniang Panlungsod ng San Carlos sa kanilang regular session kahapon ang pagkakamit ng Quality Corn Production- National Hall of Fame Award ng City Agriculture Office.

Noong Oktubre 22 ay tinanggap ng San Carlos Agriculture Office sa pangunguna ni Estrellita Cabansag ang parangal para sa syudad sa Manila.

Pinarangalan ang lungsod sa kontribusyon, mahusay na pagta-trabaho at matagumpay na implementasyon ng corn production program sa mga magsasaka.

Sa pagkakahirang na hall of famer ng San Carlos bilang quality corn achiever ay nagkamit ito ng cash na premyo na two million pesos, bukod pa sa sertipikayson at token.

Speak Your Mind

*