San Carlos City PNP, maagang naabisuhan ang mga mamamayan sa bagyong Lando

Maagang naalerto ng kapulisan sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan ang mga mamamayan na maghanda sa pagdating ng bagyong Lando.

Sinabi ni Police Supt. Charlie Umayam, ang hepe ng San Carlos City PNP na bago pa man dumating ang bagyo ay naglibot na ang kanyang mga tauhan para abisuhan ang mga opisyales ng barangay at mga mamamayan.

Ang kanilang aksyon ay base na rin sa direktiba mula sa National at Regional PNP.

Malaking pasalamat naman ni Umayam dahil walang naitalang nasawi sa lungsod sa pananalasa ng bagyo.

Gayunman, sampung barangay na nasa gilid ng dike ang naapektuhan ng tubig baha ngunit unti-unti namang humupa ang tubig baha kahapon.

Pumunta ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) katuwang ang kapulisan para magbigay ng relief goods sa mga residente sa lugar.

Speak Your Mind

*