Mga magulang, bantayan ang anak sa paliligo sa creek – San Carlos PNP

Pinapaalalahanan ngayon ng San Carlos City Police, ang mga magulang na huwag hayaang maligo ang mga anak sa creek o sapa kapag walang umaantabay na matanda.

Ayon kay Police Inspector Jonaflor Baruan, isang binatilyo ang nalunod  sa creek na nasa likuran ng kanilang bahay sa barangay Cacaritan ng nasabing lungsod.

Kinilala ang biktima na si Jerome De Guzman, kasama raw nitong maligo ang iba pang kabataan.

Ilang minuto rin itong nawala at natagpuan sa malalim na bahagi sa dulo ng creek.

Speak Your Mind

*