San Miguel, nagpakitang gilas para talunin ang Meralco

Nagpakitang gilas ang “big 3” men nang San Miguel matapos talunin ang malakas na boltahe nang Meralco kagabi sa pagpapatuloy nang PBA Games sa Smart-Araneta Coliseum.

Naging mabagsik lang sina June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Arwind Santos sa huling apat na minuto nang laro para makuha ang panalo laban sa Meralco sa iskor na 101 – 85.

Si Alex Cabagnot ay nakapagtala nang 18 points na may tatlong rebounds at tatlong assists, si June Mar Fajardo ay may iskor na 14 points na may labing tatlong rebounds, tatlong assists at isang block, samantalang si Arwind Santos ay may 16 points, tatlong boards, isang assists at isang block.

Sa kabila nang pagpupursigi nang Meralco na makahabol, hindi pa rin mahabol ang pagbuhos nang puntos nang Beermen na dinagdagan nang mga iskor mula kina Marcio Lassiter at Chris Ross.

Isama pa ang pitong puntos na nagawa ni Ryan arana namayrron ding apat na boards at tatlong steals.

Speak Your Mind

*