Sapat na suplay ng bigas sa Nueva Ecija, tiniyak ng NFA Region 3

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) Regional Office 3 na sapat ang suplay ng bigas na naka-imbak sa kanilang mga bodega.

Sinabi ni Boy de Guzman, ang manager ng NFA-Region 3 na aabot pa sa 1.3 milyon sako ng bigas ang suplay at sapat ito para tustusan ang pangangailangan ng mamamayan lalo na sa Nueva Ecija na masyadong apektado ng bagyong Lando.

Binigyang diin nito na sinisiguro ng NFA na walang makakalampas na mananamantala na itaas ang presyo ng bigas lalo’t marami namang mapagbibilhan nito.

Sa ngayon ay pumapalo sa 27 hanggang 32 pesos ang kada kilo ng NFA rice.

Speak Your Mind

*