Seguridad para sa Undas, handa na ayon sa PNP Chief

Kasado na ang ipatutupad na seguridad para sa pagunita ng Undas ngayong taon.

Ayon kay PNP Chief DGen Ricardo Marquez, paiigtingin pa nila ang police visibility sa mga lugar na dadagsain ng mga tao sa undas tulad ng mga sementeryo, simbahan, pantalan, paliparan, bus terminals at iba pa.

Maliban sa seguridad bahagi na rin ani Marquez sa kanilang trabaho ang traffic management.

Maglalagay rin anya ang PNP ng mga police assistance desk ang PNP sa mga lugar kung saan dagsa ang tao.

Nagpaalala rin si Marquez sa publiko na maging alerto palagi para hindi mabiktima ng mga mapagsamantala sa darating na panahon ng Undas.

Speak Your Mind

*