Sen. Escudero, welcome na makalaban si Cong. Robredo sa pagka-bise presidente

Welcome sa mga makakalaban sa pagka-bise presidente ni Congresswoman Leni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang running mate ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas.

Ayon kay Senador Chiz Escudero, kapwa may karapatan at kwalipikasyon si Robredo para tumakbo sa naturang posisyon.

Para naman kay Senador Antonio Trillanes the fourth, hindi lang kwalipikado kundi kahanga-hanga pa si Robredo dahil sa mga nagawa nitong sakripisyo para sa bansa.

Sa panig naman ni Senador Alan Peter Cayetano, mas maraming kandidato ay mas mabuti para mas marami ang mapagpilian.

Inilarawan naman ni Liberal Party Stalwart at Senate President Franklin Drilon si Robredo bilang “most decent candidate” ng kanilang partido.

Speak Your Mind

*