Sen. Marcos at Cayetano, kapwa pinagpipilian ni Mayor Duterte bilang katambal sa 2016

Dalawang politiko ang sumusuyo ngayon kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte para tumakbo bilang presidente at kanilang makatambal sa 2016.

Ito ang inihayag ni Attorney Vitaliano Aguirre, Presidente ng Brotherhood for Duterte, matapos ang pahayag ng alkalde na tila nape-pressure siyang tumakbo na sa pagka-pangulo.

Pinangalanan ni Aguirre ang dalawa na sina Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Senador Alan Peter Cayetano.

Ani Aguirre, kinokonsidera naman ni Duterte ang alok ng dalawang senador pero pinag-iisipan pa ito.

Matatandaang sinabi na ni Duterte na nagsasagawa pa siya ng “final soul-searching” bago tuluyang mag-anunsyo ng plano para sa halalan.

Speak Your Mind

*