Sen. Marcos, nagdeklara na rin ng kandidatura bilang bise president

Nagdeklara na rin ng kaniyang kandidatura bilang bise presidente si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ayon kay Marcos, buo na ang kaniyang desisyon sa pagtakbo sa darating na eleksyon.

Pahayag pa ng senador, nagtungo siya ng Davao City noong nakaraang miyerkules at kinonsulta si Davao City Mayor Rodrigo Duterte Sa kanyang desisyon.

Nakuha naman ni Marcos ang suporta ng alkalde sa kanyang kandidatura.

Kasabay nito’y nagpahayag din ng suporta si Marcos para kay Duterte sakaling magdesisyon na itong tumakbo bilang pangulo.

Isinantabi na rin ng senador ang posibilidad na makatambal si Vice President Jejomar Binay sa 2016.

Una nang nagpahayag si Duterte ng suporta sakaling tatakbo sa pagka bise presidente si Marcos.

Ginawa ni Marcos ang kaniyang deklarasyon matapos ang pag-anunsiyo ng kaniyang mga kapwa senador na sila Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV, na pawang mga miyembro ng Nacionalista Party.

Speak Your Mind

*