Senado sisikaping maipasa sa Nobyembre ang 2016 national budget

Tiniyak ni Senate President Franklin Drilon na ipapasa ng senado ang 2016 proposed National Budget sa susunod na buwan.

Ang pahayag na ito ni Drilon ay kasunod ng pangambang mawalang ng sapat na quorum dahil sa abala na ang mga senador sa pangangampanya na tatakbo sa darating na halalan.

Kaya naman pakikiusapan ng liderato ng Senado na gampanan pa rin ang knilang tungkulin kahit na abala sa pangangampanya.

Inaasahang matatapos sa komite level sa Biyernes ang pagpasa ng 2016 National Budget.

Samantalang sa pagbubukas ng session sa susunod na buwan ay isasalang na ito para sa plenary debate.

Speak Your Mind

*