Senator Miriam Santiago, tatakbo sa pagka-Pangulo

Nagdeklara na ngayong araw ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo si Senador Miriam Defensor-Santiago.

Ginawa ni Santiago ang nasabing deklarasyon sa book signing ng kanyang librong “Stupid is Forevermore” sa Makati.

Ayon sa Senadora, maghahain siya ng Certificate Candidacy (COC) pero hindi naman niya binanggit kung kailan.

Inihayag din ni Santiago na mayroon siyang katambal sa eleksyon at ito ay nagdeklara na rin ng kandidatura.

Paliwanag ng senadora, naka-recover na siya sa sakit na cancer.

Si Santiago ay tatakbo sa ilalim ng sariling partidong People’s Reform Party na kanya ring ginamit noong tumakbo sa pagka-pangulo noong 1992.

Speak Your Mind

*