Singapore, nanawagan na sa ASEAN Members ng tulong kaugnay sa haze

Nanawagan ang gobiyerno nang Singapore sa mga kapwa ASEAN Members na magtulong-tulong para puksain ang patuloy na pagkalat nang nakakamatay na haze sa mga karatig na bansa.

Isa ang bansang Singapore na sobrang naapektuhan nang matinding usok dahil sa kaingin na nagaganap sa Sumatra Island sa Indonesia.

Sa ulat nang Jakarta, umaabot na sa sampu ang namamatay sa Indonesia at mahigit na sa kalahating milyon ang nagkakasakit dahil sa patuloy na pagkalat nang makapal na usok sa Singapore, Malaysia, Thailand at Pilipinas.

Napipilitan na aniya ang mga eskwelahan na ekansela ang mga klase at pinapayuhan na ang mga tao na manatili na muna sa loob nang kanilang mga tahanan.

Nagkakaroon na rin nang problema ang mga paliparan dahil sa makapal na usok sa himpapawid.

Gumawa na nang ligal na aksyon ang Singapore laban sa mga kompanya sa Indonesia na may kinalaman sa haze kabilang ang multinational na kompanya na Asia Pulp and Paper (APP) at ang Sinar Mas Conglomerate.

Speak Your Mind

*