Sonshine Radio at SPM, magsasagawa ng gift-giving at feeding program sa Bongabon

Personal na tinungo ng DWAY Sonshine Radio ang bayan ng Bongabon, Nueva Ecija partikular ang barangay Labi kung saan napaulat na may dalawampung kabahayan ang totally washed out bunsod ng pagragasa ng malakas na tubig mula sa kabundukan na bumuhos sa sentro ng barangay.

Nagkaroon din ng pagguho ng lupa kung saan hanggang sa kasalukuyan ay di pa maaaring maabot ng mga sasakyan ang sentro ng naturang barangay.

Ayon kay Konsehala Lilibeth Sabado, pinangangambahan nilang mawala sa mapa ang sentro ng kanilang barangay dahil sa tindi ng pinsalang naidulot ng bagyo.

Sa katunayan ay nananatili pa ring nasa state of shock ang kanilang punong barangay bunsod ng trauma na natamo nito sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lando.

Dahil sa pinsalang natamo ng nasabing barangay, minabuti ng Sonshine Radio North Central Luzon at ng Sonshine Philippines Movement o SPM na magsagawa ng gifty-giving at feeding program sa araw ng Sabado, October 24.

Sa mga nais magbigay ng kanilang mga karagdagang donasyon gaya ng damit, mga pagkain at iba, maaari ninyo itong ihatid mismo sa ating istasyon na matatagpuan sa Maharlika Highway, Bitas, Cabanatuan City.

Speak Your Mind

*