South Korea, nakapag-tala na panibagong kaso ng MERS

Muling nakapagtala ng sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) coronavirus ang South Korea matapos magpositibo ang isang pasyente na una nang inakala na negatibo ito sa naturang sakit.

Nabatid na siyam na araw matapos itong palabasin sa ospital dahil sa naunang finding na negatibo ito sa sakit, ngunit muli itong isinugod sa Seoul National University Hospital..

Base naman sa diagnosis ng mga doktor, positibo ito sa kaso ng MERS

Ayon sa Health and Welfare Ministry, umaabot na sa mahigit 100 katao ang kasalukuyang ikinu-quarantine matapos nakasalamuha ng pasyente sa loob ng siyam na araw

Speak Your Mind

*