SPM Volunteers, pangungunahan ang relief operations Bungabon, Nueva Ecija

Nakatakdang pangunahan ng Sonshine Philippines Movement (SPM) Volunteers ang isang relief operations bukas sa Brgy labi, Bungabon Nueva Ecija sa mahigit na animnaraang benepisyaryo nito na lubhang naapektuhan ng hagupit ni bagyong lando.

Hindi ito ang unang pagkakataon na mamimigay ng relief packs ang SPM kasama ang pagsasagawa ng feeding program sa mga sinalanta ng kalamidad sa bansa.

Una ring binisita ng grupo ang mga biktima ng Yolanda noong 2013 kung saan 24 hr service ang inihatid nito sa mga residente ng Tacloban sa lalawigan ng Leyte.

Laman ng relief packs ang ilang pagkain kasama na ang kumot, damit, bigas, kape, asukal, noodles at mga de latang pagkain.

Ganap na alas siyete ng umaga bukas isasagawa ang pamamahagi ng mga relief goods habang susundan naman ito ng feeding program sa mga residente ng brgy labi bungabon lalawigan ng Nueva Ecija.

Ang Sonshine Philippines Movement ay pinangungunahan ng presidente na si Pastor Apollo C. Quiboloy na siya ring Chairman at CEO ng Sonshine Media Network International.

Speak Your Mind

*