Star Hot Shot Forward Allein Maliksi, pinatawan ng indefinate suspension

Pinatawan ng indefinate suspension si Star Hot Shot Forward Allein Maliksi at kasunod ng kontrobersyal nitong post sa social media.

Naging maingay sa social media ang Instagram post ni Maliksi na may direktang mensahe na nagsasabing “desire to be happy”.

Ayon sa player agent na si Danny Espiritu, ang nasabing post ni Maliksi ay indikasyon na hindi na ito masaya sa kanyang team kasunod ng pag-ikli ng kanyang playing time sa court sa dalawang games ngayong season ng Hot Shots.

Nasa kamay naman ni Hot Shot Coach Jason Webb ang pasya kung kailan siya makakabalik muli sa team.

Si Maliksi ay nakilala bilang isang high leaping forward at dating Most Valuable Player (MVP) sa PBA D- Leauge bago ito napunta sa Star Hot Shots.

Speak Your Mind

*