Suplay ng bigas, stable hanggang sa katapusan ng taon – NFA

Sapat pa rin ang suplay ng bigas sa kabila ng hagupit ng bagyong lando sa mga palayan sa Luzon.

Ayon kay National Food Authority o NFA Spokesperson Jerry Imperial, may naka-imbak pa silang 15.1 million bags o 752 thousand metric tons na bigas na tatagal ng dalawampu’t apat na araw.

Nataon din aniyang harvest session kaya di problema ang suplay ng bigas sa Luzon.

Tiniyak din ni Imperial na stable ang suplay ng NFA rice hanggang Disyembre ng 2015.

Naglalaro sa bente siyete hanggang trenta’y dos pesos ang presyo ng kada kilo ng NFA rice sa mga pamilihan.

Maliban dito ay pinaghahandaan na rin ng NFA ang pinangangambahang epekto ng El Nino sa bansa.

Speak Your Mind

*