Suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni Lando, naibalik na

Naisaayos na ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang mga pasilidad na nasira ng bagyong lando sa ibat ibang bahagi ng Luzon.

Ang resulta nito balik na ang kuryente sa mga lugar na nakaranas ng power interruption sa mahabang panahon dahil sa hagupit ng bagyong Lando.

Huling narestore ng NGCP ay ang kanilang Cabanatuan-San Isidro 69kv line 2.

Naayos ang naturang pasilidad bandang alas 4:16 ng hapon nitong nagdaang araw.

Muli naming tiniyak ng NGCP sa publiko na sila ay laging nakahanda sakali mang muling maapektuhan ng kalamidad sa hinaharap ang mga kanilang pasilidad.

Speak Your Mind

*