Suplay ng manok at baboy, tiniyak na sapat hanggang pasko

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat pa rin ang supply ng manok at baboy para sa kapaskuhan sa kabilang nang pananalasa nang bagyong lando sa Luzon.

Bagamat wala pa umanong pinal na mga datus mula sa leading source ng manok at baboy ng bansa sa Region 3, walang aniyang dapat ikabahala ang publiko sapagkat marami pa rin ang maaring pagkuhanan ng naturang mga karne.

Nabatid na mas kakaunti umano ang pinsalang iniwan ng bagyong Lando sa livestock sector kumpara noong matapos dumaan ang bagyong Glenda.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, hindi dapat mag-alala ang mga mamimili sa supply ng mga karne dahil kahit matapos ang kapaskuhan ay sapat pa rin ang supply nito.

Siniguro rin ni Alcala na marami rin ang supply ng mga hamon na nakasanayan nang ihanda ng mga pilipino tuwing pagsapit ng pasko.

Speak Your Mind

*