Supply ng mga basic commodities, tiniyak na sapat

Sapat ang supply ng mga pangunahing bilihin sa Metro Manila at sa mga lalawigan sa Luzon na sinalanta ng bagyong ‘Lando’.

Ito ang tiniyak ng ilang manufacturers sa Department of Trade and Industry (DTI) lalo na sa mga produktong sardinas, instant noodles, de-latang pagkain, mantika at kape

Anila, sapat at hindi magkukulang ang supply ng mga ito sa pamilihan hanggang sa Disyembre 2015.

Bukod dito, kinumpirma rin ng grupo na hindi magpapatupad ng anumang pagtataas ng presyo sa nasabing mga bilihin, lalo ngayong nahaharap sa matinding suliranin ang Luzon kasunod ng malawakang pagbaha na ikinasira ng mga pananim at imprastruktura dulot ng bagyo.

Speak Your Mind

*