Susan Roces, si Coco Martin lang ang pinapayangang tumawag sa kanya ng “lola”

Hangang hanga ang Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces sa pagganap ni Coco Martin sa TV adaptation ng dating pelikula ni Da King Fernando Poe Jr. na Ang Probinsyano.

Ayon sa biyuda ni FPJ, kapuri-puri si Coco hindi lang sa pagiging magaling na actor kundi narin sa pagiging mapagpakumbaba kahit na itinuturing na siyang Hari ng Teleserye sa bansa.

Dagdag pa ng veteran actress, mayroong pagkakahawig si Coco at si FPJ sa pag-uugali, lalo na sa pagtatrabaho.

Bunga ng pagiging closeness ng dalawa, tanging si Coco lang daw ang pinapayagan ni Ms. Susan na tumawag sa kanya ng “lola.”

Mismong Susan ang gumaganap na lola ni Coco sa papel ng actor na Ador at Cardo sa “Ang Probinsyano” na siyang unang ginampanan ni Da King noong taong 1997.

Speak Your Mind

*