Tanggapan ng POEA, bukas sa panahon ng APEC Meeting

Mananatiling bukas ang ang tanggapan nang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Metro Manila sa Nobyembre a-disisyete hanggang a-beinte.

Ang nasabing mga petsa ay ideneklarang non-working days sa National Capital Region (NCR) upang bigyan daan ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting na gaganapin dito sa maynia sa Nobyembre a-disiotso at a-disi-nueve.

Ayon sa POEA, limitado lamang ang gagawing transaksyon nang kanilang tanggapan tulad nang pagpo-proseso sa Overseas Employment Certificate (OEC) at exit clearance nang Overseas Filipino Workers (OFW).

Bukod sa POEA Main Office sa Ortigas, bukas din ang mga Centers nito sa Duty Free Paranaque, SM Manila at Trinoma.

Pinapayuhan din nang POEA ang mga returning workers na gamitin ang BM Online Processing System para makakuha nang exit clearance.

Para sa mga nasa probinsiya, bukas ang mga POEA Regional Centers at mga satelite offices sa naturang mga petsa.

Speak Your Mind

*