Target collection ng BOC, bumaba sa buwan ng Setyembre

Bahagyang bumaba ang target collection ng Bureau of Customs noong buwan ng Setyembre.

Ito’y sa kabila ng 20.5 percent na pagtaas sa dami ng mga produktong pumasok sa bansa noong Setyembre.

Ayon kay Customs Commissioner Bert Lina, umabot lamang sa p32.7b ang pinagsamang import duties at buwis na nakolekta ng ahensya noong nakaraang buwan na mababa ng 0.8 percent noong nakaraang taon.

Mula sa 9 na bilyong piso noong nakaraang taon, bumagsak ang kita ng BOC sa 6 na bilyong piso mula sa mga imported oil products kumpara noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, umaasa ang BOC na maaabot pa rin ang 436.6 bilyong piso na target collection para sa 2015.

Speak Your Mind

*