Tatlong minero, patay matapos malason ng kemikal sa Benguet

Tatlong minero ang namatay matapos makulong at makalanghap ng nakakalasong kemikal sa abandonadong minahan sa sitio Luneta, Brgy. Antamok sa bayan ng Itogon, Benguet.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Sabado Maliongan, Igan Lumibiang, at si Ricky Licawen na parang residente ng Abra.

Sinabi ni Itogon Mayor Victorio Palangdan, mabigong lumabas ang mga biktima sa tunnel may ilang oras na ang nakalipas na naging dahilan ng kanilang pagkasawi.

Iginiit ng alkalde na matagal nang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ang magmina sa nasabing lugar dulot ng naiwang poison gas sa minahan.

Speak Your Mind

*