Trillanes: VP Binay, posible pa ring umatras sa Eleksyon 2016

Hindi malayong umatras sa laban ng pagkapangulo sa 2016 elections si Vice President Jejomar Binay kapag nagpatuloy ang pagbaba ng rating nito.

Ito ang paniniwala ni Senador Antonio Trillanes IV matapos maghain ng Certificate of Candidacy si VP Binay sa Comelec kahapon kasama ang ka-tandem na si Sen. Gringo honasan.

Sinabi ni Trillanes na kapag umatras si VP binay ay posibleng si Manila Mayor Joseph Estrada ang hahalili sa kanya bilang pangulo sa 2016.

Matatandaang sunod-sunod ang pagbaba ng ratings ni VP Binay sa mga isinagawang presidential surveys.

Sa kasalukuyan naman ay nahaharap sa kasong Graft, Malversation at Falsification of Public Documents sa Office of the Ombudsman si Binay at 23 iba pa kaugnay pa rin sa isyu ng maanomalyang pagpapatayo ng Makati Carpark Building.

Speak Your Mind

*