Tubig baha sa ilang bahagi ng Dagupan City Catholic Cemetery, ga-binti pa rin

Malaking bahagi pa rin ng Roman Catholic Cemetery sa lungsod ng Dagupan ang hindi pa nalilinisan.

Ayon kay Bobby de Guzman, caretaker ng sementeryo, sa likurang bahagi ay malalim pa ang tubig baha kaya hindi pa ito nalilinisan.

Ang ilang naglilinis sa sementeryo ay nakasuot ng bota.

Sa ngayon ay ga-binti ang baha sa likurang bahagi ng sementeryo ngunit inaasahan namang bababa ito sa pagsapit ng araw ng undas.

Samantala, dagsa na ang mga dumadalaw sa San Carlos City Cemetery.

Mayroon na ring mga nakapwestong nagbebenta ng pagkain at kandila sa loob ng sementeryo.

Sa ngayon ay wala pa ring pagtaas ang presyo ng kandila, ang pinakamababa ay piso kada isa at ang pinakamahal naman ay singkwenta pesos depende naman sa laki at klase.

Speak Your Mind

*