Tubig ulan na madadala ni Lando, makakatulong sa epekto ng El Nino

Kailangang madagdagan ang naka-imbak na tubig sa San Roque Dam bilang paghahanda sa El Nino Phenomenon ngayong Oktubre hanggang sa Mayo sa susunod na 2016.

Ang level ng tubig sa dam kaninang umaga ay 278.57 meters above sea level.

Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Regional Manager John  Celeste, malaking tulong ang tubig ulan na dadalhin ng bagyong Lando para madagdagan ang tubig ng San Roque Dam.

Sinabi naman ni Evelyn Iglesias, ang weather observer ng Pag-asa na mararanasan ang pag-ulan nitong weekend dahil sa paparating na bagyong Lando.

Inaasahan na ang bagyo ay mag-la-landfall sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado o Linggo

Speak Your Mind

*