Tulong sa mga magsasaka, tiniyak ng DA Region 1

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na magbibigay ang ahensya ng tulong sa mga magsasaka sa rehiyon uno na naapektuhan ang kanilang mga pananim sa pananalasa ng bagyong Lando.

Sinabi ni Dr. Valentino Perdido, ang Regional Executive Director ng DA na umpisa pa lamang ng kasalukuyang taon ay naglaan na ang ahensya ng suplay sila na mga buto na itutulong sa mga magsasaka pagdating ng kalamidad.

Mayroong buto ng palay ang DA Region one para sa higit 50 ektaryang taniman sa ilalim ng regular program, kasama na rin ang kanilang buffer.

Ang regular program at buffer na buto ng palay ng DA-Region 1 ay para sa higit 50,000 ektaryang taniman.

Paliwanag ni Perdido na sa pagbibigay ng ahensya ng tulong ay uunahin muna nila ang mga magsasaka na nakapagtala ng totally damaged.

Kapag mayroon pang naiwan ay ibibigay nila ito sa mga partially damaged, depende naman sa porsyento ng apektadong taniman.

Speak Your Mind

*