Unified Senatorial Line-Up ng tambalang Poe-Chiz sa 201, ihahayag na

Unified line-up kung tawagin nina Sen. Grace Peo at Chiz Escudero ang Senatorial Slate ng tambalan sa 2016.

Inaasahang ngayong linggo ay ihahayag na ni Sen. Poe ang labindalawang kakandidato sa pagkasenador sa 2016 sa ilalim ng kanilang tickcet.

Ayon kay Poe, hindi importante kung kaalyado nila o hindi ang kasama sa kanilang line-up ang mas mahalaga anya ay may magagawa para sa bayan.

Kabilang sa mga sinasabing kasama sa senatorial line-up ng Poe-Chiz ay sina Sen. Tito Sotto, Ralph Recto, dating senador Juan Miguel Zubiri at Richard Gordon, Valenzuela Rep. Win Gathalian, Atty Lorna Kapunan at iba pa.

Speak Your Mind

*