UST Growling Tigers pinagulong ng Ateneo Blue Eagles

Muling pinatunayan ng Ateneo Blue Eagles ang kanilang bagsik nang pagulungin ang UST Growling Tigers sa pagpapatuloy ng UAAP finals sa Smart-Araneta Coliseum kagabi.

Tinalo ng Eagles ang Tigers sa iskor na 80 – 74.

Gumapang ang Tigers sa first half pa lang nang laro na kung saan ay lamang agad ang Eagles ng 13 puntos.

Tumaas ang lipad ng Eagles nang lumamang ito ng 17 points matapos ang sunod-sunod na triple points na ginawa ni Pessumal.

Nagtala naman si Arvin Tolentino ng 13 points sa fourth quarter upang tuluyang magpahina sa Tigers.

Speak Your Mind

*