VACC Chairman Martin Diño, opisyal nang pambato sa halalan ng PDP Laban

Pinagtibay na ng PDP-Laban ang kandidatura ni VACC Chairman Martin Diño bilang kandidato sa pagka-Pangulo sa 2016 Elections.

Ito’y sa pamamagitan ng isang resolusyon na nilagdaan ng mga opisyal at miyembro ng partido sa ginanap na National Council Meeting sa lungsod ng Pasay.

Nakasaad sa nasabing resolusyon na bukod kay Diño ay ikinonsidera rin ng partido si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

At dahil sa patuloy na pagtanggi ng alkalde, kung kaya’t nuong Oktubre a-dose ay nagdesisyon ang partido na si Diño ang maging standard bearer ng partido.

Ipinagmalaki rin ng PDP Laban na mayroon silang sampung libong aktibong miyembro sa buong bansa.

Speak Your Mind

*