VP Binay, hindi raw aatras sa pagtakbo sa pagkapangulo

Hindi aatras si Vice President Jejomar Binay sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo sa 2016 elections.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay, hanggat walang pinal na desisyon ang korte sa mga kasong kinakaharap ni Binay ay itutuloy pa rin nito ang kaniyang kandidatura sa susunod na taon.

Una nang sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na posibleng umatras sa eleksyon si Binay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng ratings nito.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang ginagawang pag-iikot ni Binay para ikampanya ang plataporma nito partikular na sa paglaban sa kahirapan sa bansa.Audio Player

Muli ring nanindigan ang kampo ni Binay na may immunity ito kaya hindi maaaring kasuhan hanggat hindi natatapos ang termino nito sa pagiging pangalawang pangulo ng bansa.

Speak Your Mind

*