Warrios Head Coach Steve Kerr, hindi makakasama ng koponan sa NBA season opener

Kinumpirma ng team management ng Golden State Warriors na magiging absent si Head Coach Steve Kerr sa NBA season opener nito dahil sa back injury.

Ayon kay Warriors General Manager Bob Myers, hindi pa kaya ni Kerr na pangunahan ang koponan dahil sa iniinda nitong spinal fluid leak matapos ang kanyang back surgery noong July.

Si Luke Walton naman na dating player ng Los Angeles Lakers at kasalukuyang Interim coach ng Warriors ang siyang pansamantala munang papalit kay Kerr.

Makakalaban nila sa season opener ang koponan ni Anthony Davis at ng buong koponan ng New Orleans Pelicans bukas sa Oakland California.

Wala pa naman pormal na time table sa pagbabalik ni Kerr sa Warriors.

Speak Your Mind

*