Wasar Team ng Sta. Barbara MDRRMO, sasailalim sa pagsasanay

Sasailalim ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Water Search and Rescue (MDRRMO-WASAR) team ng bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan sa pagsasanay.

Kinumpirma sa sonshine radio ni MDRRM Officer Raymundo Santos na gaganapin ang pagsasanay sa ikatlong linggo ng buwan ng Nobyembre.

Tinututukan naman ngayon ng MDRRMC ang rescue services na iniaalay nila sa mamamayan sa loob ng bente kuwatro oras.

Tiniyak ni Santos na laging nakahanda ang kanilang grupo sa pagrespundi sa panahon ng emergency, aksidente, sakuna at kalamidad.

Liban naman sa mga nabanggit na pinagtutuunang pansin ng MDRRMC Sta. Barbara ay abala rin ngayon ang grupo sa paghahanda para sa oplan undas sa Nobyermbre a-uno.

Speak Your Mind

*